Skip to main content

You Did It! Sa mga Awardees at Graduates ng Class of 2023

Isang malugod at masayang pagbati sa inyong lahat. 👏🏼🎉
Ito ay simula pa lamang ng inyong paglalakbay patungo sainyong mga pangarap sa buhay. Ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang nasimulan, dagdagan pa lalo ang kasipagan at pagtitiyaga sa pag-aaral. Suklian ang pagsasakripisyo ng inyong mga magulang dahil isa ito sa mga magagandang regalo na maibibigay natin sakanila. 🙏🏼
Panghuli, isang matikas na saludo sa lahat ng mga magulang na kagaya namin. Ang edukasyon ang katangi tanging bagay na napakahalagang ibigay natin sa ating mga anak. Maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsasakripisyo para mabigyan ng magandang buhay at edukasyon ang ating mga anak.🥂💪🏽
Bilang inyo pong lingkod, Mayor Dr. J, kasama ang aking mga kasamahan sa panunungkulan at mga empleyado, makakaasa po kayo sa 100% suporta sa pag-aaral ng ating mga anak.☝🏻👌
#kayantabekingpanyulung
#IskolarNgLuis
Official Website of Municipality of San Luis