
Walang Pasok | July 27, 2023
Suspendido na po ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa ating bayan.
Simula mamayang 1:00 pm, suspendido na rin po ang pasok ng mga empleyado sa ating munisipyo pagkatapos isailalim ng PAGASA ang Pampanga sa orange rainfall warning dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat na pinalalakas pa ng bagyong Egay.
Mananatili pa rin pong bukas ang mga opisina ng MDRRM Office, MSWD Office, RHU, at ENGR. Office bilang parte sa mga frontline services, key offices at emergency responders at higit sa lahat upang mabilis na matugunan ano man ang ating pangangailangan.
Manatiling nakatutok para sa
iba pang mga anunsyo.
Mimingat tamu ngan pu!
#ListongLuiseno
#kayantabekingpanyulung