
Takbong Luiseño, Bidang Pilipino!
Ang color fun run po ang pangunahing aktibidad ng ating lokal na pamahalaan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2023 National Disaster Resilience Month.
Ito ay nilahukan ng iba’t ibang sektor sa komunidad. Kabilang dito ang mga senior citizens, PWD, LGBTQ, zumba group, CSO, Youth Organization at iba pa.
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta sa mga aktibidades at program ng administrasyon.
#ListongLuiseño