
SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE 2021 REGIONAL ASSESSMENT
SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE 2021 REGIONAL ASSESSMENT
Ang SGLG o PAGKILALA SA KATAPATAN AT KAHUSAYAN NG PAMAHALAANG LOKAL ay isang progresibong sistema ng pagtatasa at sumisimbulo sa integridad at mahusay na pagganap sa mga iba’t-ibang tungkulin at serbisyo sa pamahalaan. Sa pamumuno ni Mayor Dr. J, sumailalim ang Municipality of San Luis sa Regional Assessment of Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kabilang sa mga pamantayan ng DILG na kailangang maipasa ng isang LGU ay ang sampung governance areas: Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and Arts, at Youth Development na nakabatay sa Republic Act No. 11292 o SGLG Act of 2019.