Skip to main content

PAGTITIPON | Tinipon nitong Lunes ni Governor Dennis “Delta” Pineda

 

Matatandaan kamakailan na lumipad patungong South Korea ang gobernador at mga alkalade ng ilang munisipalidad sa probinsiya para bumuo ng ugnayan sa ilang Korean officials para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng probinsiya matapos ang mahigit dalawang (2) taong pandemya.
Dito, lumagda ang Apalit, Masantol, at Minalin sa Memorandum of Understanding (MOU) on Seasonal Worker Program (SWP) sa Yeongam City; sinundan naman ito ng paglagda rin ng Guagua at San Luis sa kaparehong kasunduan sa Naju City.
At, nito lang Lunes, muli na namang nakipagkasundo ang San Luis sa Chilgok-gun, North Gyeongsang Province sa isinagawang virtual signing sa Old Session Hall, Capitol Bldg.
Ang SWP ay isang programa ng Republic of Korea. Layon nito na kumuha ng dayuhang manggagawa na magta-trabaho sa larangan ng agrikultura ng hanggang sa limang (5) buwan.
Sa naging pagtitipon, sinabi na 30-50 taon gulang lamang ang maaaring mag-apply sa programa. Sasailalim ang mga ito sa tatlong buwang training sa ilalim ng Jong Phil Language Center, Inc.
Ayon kay JP Choi, presidente at may-ari ng Jong Phil Language Center, Inc., sasagutin ng mga aplikante ang gastusin sa tatlong (3) linggong training na nagkakahalaga ng ₱5,900.
Bukod dito, nilinaw rin niya na sagot din ng aplikante ang kanilang air fare, visa fee, medical test fee, at iba pa.
Samantala, kasalukuyan pang ginagawan ng paraan ni Governor Pineda at iba pang alkalde kung paano mas bababa ang halaga ng gagastusin ng mga aplikante sa ilalim ng programa.
Mga larawang kuha ni Jasmine Jaso / Pampanga PIO
Official Website of Municipality of San Luis