
“Pagpupugay sa mga Bayaning Guro”
A B K D, isa dalawa tatlo, letra at numero,
araw-araw na pagpantig at bilang ng Talaturo.
Bago pa sumikat ang araw mulat na ang mga mata, paghahandaan ang bagong aralin na ilalapat sa bawat bata.
Sisimulan sa pagpupugay sa Maykapal,
matatapos ng may baong magandang asal.
Madalas tayo’y nakakagalitan dahil sa kaingayan, sakripisyo nila’y hindi mapapantayan.
Kumakalam man ang kanilang sikmura sa dami ng ginagawa, ibibigay pa saiyo ang kanilang baon upang nararamdamay guminhawa.
Sabado’t Linggo mga araw na dapat sa pamilya at pamamahinga, madalas tuon ang oras sa nangangailangan ng kalinga.
Walang ibang batid kung hindi dunong, na laging kasangga at kaagapay sa pagsulong.
Tunay na kamangha-mangha ang kanilang adhika, kaya marapat na sila ay nilikha.
Buhay Guro ay hindi matatawaran, dahil sila ang tunay na Bayani ng Bayan.
obra ni: RD
#kayantabekingpanyulung