
PAGHAHANDA SA UNDAS, KASADO NA
Ipinag-utos na ni Mayor Dr. J sa lahat ng mga kasamang ahensya at departamento na tiyakin ang lahat ng plano para sa payapa at maayos na UNDAS 2019. Partikular dito ang security measures at traffic re-routing schemes sa mga daan na apektado.
Ininspeksyon din ni Mayor Dr. J ang limang sementeryo upang masigurado ang kalinisan at kaayusan ng mga mamamayan sa paggunita at pag-alala sa ating mga namayapang mahal sa buhay.
#kayantabekingpanyulung