
MAXIMUM PRESCRIBED RATES, IPATUTUPAD LTO SA MGA DRIVING SCHOOL: BAWAL ANG OVERPRICING
Sa mga kumukuha ng driver’s license, good news po ito.
Una po ay maraming salamat po kay Congresswoman Anna York Bondoc sa kanyang pagtawag ng atensyon ng LTO tungkol sa “Gintong Lisensya.” Nagfile rin po siya ng bill para imbestigahan ito.
Nag-set na po ng maximum rates ang LTO sa mga bayaran sa driving schools, base po sa press conference na ito ni LTO chief Jose Arturo Tugade.