Skip to main content

MALIGAYANG ARAW NG MGA GURO!

Ang BAYAN ng SAN LUIS ay taos-pusong nagbibigay PUGAY at PASASALAMAT sa lahat ng ating mga GURO na walang sawang naglilingkod, nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng ating mga anak.
Kinikilala natin ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at malasakit sa bawat mag-aaral. Bilang mga PANGALAWANG MAGULANG…hindi lamang kaalaman ang inyong ibinabahagi, kundi maging mga pagpapahalaga, pangarap, at aral sa buhay na magsisilbing gabay ng kabataan sa kanilang paglalakbay.
Sa lahat ng ating mga guro, MARAMING SALAMAT sa inyong walang sawang SERBISYO at SAKRIPISYO.
Kayo ay tunay na mga BUHAY na BAYANI ng ating bayan.
Mabuhay ang mga GURO! Mabuhay ang EDUKASYON!
🫡🫡🫡
Official Website of Municipality of San Luis