
LUNES SANTO
Ang Lunes Santo ay ang ikalawang araw ng Semana Santa, pagkatapos mismo ng Linggo ng Palaspas. Sa araw na ito ay nilinis ni Hesukristo ang mga templo at ipinabatid sa bawat isa ang kahalagahan ng ating mga Bahay-Dalanginan o House of Prayer.
Ayon sa kasulatan ang banal na lunes ay ang paglilinis ng templo at muling pagsasalaysay ng kuwento kung saan nagalit si Hesus sa mga mangangalakal at nagpapautang ng pera sa templo.
Ito ang ikalawang araw na si Hesus ay nasa Jerusalem, at iniulat ng Bibliya na siya ay nagbigay ng iba’t ibang turo sa mga lider ng simbahan.
#SemanaSanta2023 #kayantabekingpanyulung
Photo CTTO