
HOME QUARANTINE PASS
KAILAN?
-Simula 5:00 AM ng Marso 20, 2020 maigting na ipapatupad sa Bayan ng San Luis ang “Home Quarantine “
ANO ITO?
-Ang Home Quarantine Pass ay isang mahalagang papel na kailangan ng bawat mamamayan kung ito ay lalabas ng bahay para bumili ng mga basic necessities o may gagawing importante/mahalagang bagay.
SAAN ITO MAKUKUHA?
-Ang mga nanunungkulan sa Barangay ang mag hahatid kada sambahayan ng “Home Quarantine Pass” upang maiwasan ang pag labas at upang mapatupad ang “Social Distancing”. HINDI pwedeng papilahin ang mga kabarangay o mass gathering upang ipamigay ang mga pass.
PAANO ITO MAGAGAMIT?
-Siguraduhing may “dry seal” ng inyong barangay ang pass na tatanggapin. -Nakapangalan lamang ito sa head of the family ng inyong bahay.
-Isang pass lamang bawat bahay.
-Isang tao lamang ang pwedeng lumabas ng bahay gamit ang pass.
-Epektibo ang pass na ito sa mga mahahalagang bagay lamang (pagbili ng mga gamot, pagkain, pagpapacheck-up, at iba pang health & emergency services
-Maaaring gamitin ang pass ng iba pang kasama sa bahay. Basta magdala lamang ng i.d. bilang katibayan na may relasyon sa nakapangalan sa pass.
-Huhulihin ang walang HQP.
-Epektibo ang pass sa buong Lalawigan ng Pampanga.
-Kulay orange ang pass para sa ating bayan.
Narito ang listahan ng mga exempted sa Home Quarantine Pass o Authorized Persons Outside Residence.
Ang Bayan ng San Luis kasama ang mga San Luis Pulis ay kaagapay ninyo sa pagkontrol ng COVID-19. Hiling ang kooperasyon ng bawat isa, sundin ang direktiba ng ating pamahalaan upang sabay-sabay nating mapagtagumpayan ang laban na ito.