Skip to main content

HAPPY FIESTA STO. NIÑO!

Tuwing ikatlong linggo ng Enero, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na Sanggol o mas kilala bilang Santo Niño. Ang Santo Niño ang Panginoong Hesukristo na isinilang ng Mahal na Birheng Maria – Diyos na nagkatawang-tao, nakipamuhay sa atin, at nakisama sa atin.
Ipinagdiriwang natin ito dahil limandaang taon na mula nang mapunta ang imahen ng Santo Niño sa ating kapuluan. Maituturing itong isang punla ng pananampalataya kay Hesus dito sa ating bansa. Ang Santo Niño ay minahal ng mga Pilipino dahil tanda ito na mahal na mahal tayo ng Diyos. Ang Diyos natin ay hindi naging iba sa atin. Gaya natin, naging tao siya at naging bata gaya natin
Ang unang nagimpluwensya sa atin ng Sto. Nino ay ang mga Kastilla. Dinala ang imahe ng Sto. Nino ni Magellan sa Cebu at ipinakita ito sa mga tao ni Rajah Humabon at Reyna Juana at tinanggap nila ito ng laking pasasalamat. Isa ito sa nagsimula ng pagiging Katoliko sa Pilipinas.
Maraming mga fiesta na tungkol sa Sto. Nino dita sa Pilipinas. Minsan buong linggo ito ipinagdaraos. Ito at tukad ng Sinulog Festival, sa pangatlong Linggo ng Enero, ang Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, ang Dinagyan fiesta sa Iloilo na malapit sa pang-apat na linggo ng Enero, at ang Binanog festival na nasa Bukidnon tribe sa Iloilo rin. Marami sa fiestang ito ay malapit sa Cebu, Iloilo, Aklan, at iba pa dahil ang mga patron sa lugar na ito ay ang Sto. Nino.
Ang Sto. Nino ay isang malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa Pilipinas. Totoo na sa kahit anong pista na ang gitna ay ang Sto. Nino, nandoon ang Panginoon na ngumingiti sa mga tao roon mula sa kaluwalhatian.
Sto. Niño, Ipanalangin Mo Kami

Official Website of Municipality of San Luis