
Happy Fiesta Sta. Monica
Si Sta. Monica ay isinilang sa Tagaste (Soukaras) Africa noong 332. Siya ay huwaran ng mga may-asawa, mga ina at mga balo. Tatlong krus ang tiniis niya upang makarating sa rurok ng kabanalan: biyenang mabagsik, asawang malupit, at anak na makasalanan.
Upang magbalik-loob ang kanyang asawa, biyenan at anak na si San Agustin, dalawa ang kanyang ginamit na paraan: PANANALANGIN at PAGPAPAKASAKIT.
Bago mamatay si Sta. Monica sa Ostia, ang kanyang huling habilin sa kanyang anak: “Hindi mahalaga kung saan man ako mailibing…saan ka man makarating ay huwag mo akong kalimutang ipagdasal sa altar ng Panginoon.”
Santa Monica, Ipanalangin Mo Kami! 🙏🏼