Happy Fiesta Santa Rita

Happy Fiesta Santa Rita
Si Santa Rita de Cascia ay tinagurian ng mga Pilipino bilang “Ang Banal ng Hindi Mangyayari” (“Abogada de los Imposibles” )ay anak ng tagabukid (1381) sa Roca Porena, Italy. Ang pangalang ito ay mula sa pinaikling “Margherita,” isang Italyanong pangalan na katumbas ng “Margaret” sa wikang Ingles. Apat na kalagayan sa buhay ang kanyang pinagdaanan – dalaga, may-asawa, balo at madre; sa mga kalagayang ito, nagpamalas siya ng pagtitiis at pagsang-ayon sa Mahal na kalooban ng Maykapal. Siya ay napakasal sa isang lalaking di-mabuti ang naging buhay, bilang pagsunod lamang sa kagustuhan ng kanyang mga magulang sa kabila ng pagtutol sapagkat nais niyang maging madre. Sa loob ng labingwalong taong pagsasama nila, hapis at dalita ang tiniis niya sa kayang asawa subalit sa kanyang walang-humpay na dalangin at pagpapakasakit ay nagbalik-loob din ang lalaki bago siya napatay ng mga kaaway. Ang biglang kamatayan ng kanyang asawa ay ninais ipaghiganti ng dalawa niyang anak subalit ipinagdasal ni Santa Rita na huwag nilang maisagawa ang masamang tangkang iyon, nagkasakit sila at namatay.
Si Margarita (ang pangalan niya sa binyag) ay naghangad na maging madre sa kumbento ng mga Agustina sa bayan ng Cascia. Hindi siya tinanggap dahilan sa ito ay para sa mga birhen lamang at di sa may-asawa, bagay na ikinalungkot nang gayon na lamang ng santa kung kaya sa kanyang paghihinagpis, tumawag siya sa tatlong pintakasi na si San Juan Bautista, San Agustin, at San Nicolas ng Tolentino, at pagkatapos, si Santa Rita ay tinanggap din ng superyora ng kumbento noong 1413.
Sa kanyang pagdedebosyon sa Mahal sa Paghihirap ng Panginoon at bilang kabayaran sa kanyang mga kasalanan, malimit siyang gumawa ng mga pagpapakasakit tulad ng paghampas sa sariling katawan, pagkain ng kaunti at pagsusuot ng makapal na parang sako. Namatay si Rita sa edad na 76 noong Mayo 22, 1457 sa piling ng kanyang mga kapwa-madre. Sa dapit-hapon ng kanyang buhay si Rita ay nanatiling tapat sa buhay Agustino. Si Rita ay itinaas bilang isang Beata noong 1627 sa pamamagitan ni Papa Urban VIII at noong taong 1900 siya ay ginawang Santa ni Papa Leo XIII. Ang kapistahan ni Santa Rita ay tuwing Mayo 22.
Santa Rita, Ipanalangin mo kami.

Have a Questions?

Opening Hours

Mon, Friday: 8 am - 5 pm
Sat, Sun: Closed

Address

Municipality of San Luis, Brgy. Sto. Tomas, San Luis, Pampanga

Copyright © 2020. Municipality of San Luis Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of San Luis