Skip to main content

Happy Fiesta San Luis Gonzaga

Happy Fiesta San Luis Gonzaga
“San Luis Gonzaga, Pialimbawanan king Bie Kapamintuan, Kalinisan ampon Kalu’kan”
Si San Luis Gonzaga (Aloysius) ay isinilang sa kastilyo ng Castigliona, Lombardy noong Marso 9,1568 sa isang angkang kinabibilangan ng mga prisipe, markes, duke at hari. Ang lahat ay nasa kanya upang maging marangal sa daigdig at sa katunayan, nais ng kanyang ama na siya ay maging sundalo. Mula pa sa kanyang pagkabata, sinanay na siya ng kanyang ama sa pagiging sundalo; binigyan siya ng mga kanyon-kanyonan at baril-barilan at pinagsasama sa mga sundalo sa Kampo. Subalit iba naman ang panalangin ng kanyang ina na siya’y maging alagad ng Diyos.
Nahilig si Luis hindi sa pagiging sundalo kundi sa gawang kabanalan. Sa katunayan, sinasabi na lubos niyang pinagsisisihan ang pagmumurang natutuhan sa mga sundalo. Kapuri-puri ang naging buhay ni Luis sa pagiging pahe niya sa iba’t-ibang korte o palasyo tulad ng sa Mantua, Ferrara, Parma Madrid at Florence sapagkat sa gitnang kasayahan at karangyaan ay lagi niyang naaalala ang katunayan ng Diyos sa lahat ng dako at dahil diyan, naging malinis ang kanyang budhi. Sinasabi na ang santong ito ay hindi nagkasala ng mabigat sa tanang buhay niya. “Ano ang kinalaman nito,” lagi niyang sinasabi, “sa buhay na walang hanggan?” Upang malubos ang kanyang hangaring maging banal, na kanyang natutuhan sa pagbabasa ng buhay ng mga Santo, pumasok si Luis sa Samahan ng mga Paring Heswita noong Nobyembre 25, 1585 sa Roma.
Siya ay naging nobisyo, hindi Pari; ang kanyang buhay bilang nobisyo sa mga heswita ay kinamalasan ng pambihirang kabanalan: ang matapat na pagtupad ng kanyang tungkulin, ang pag-iingat sa kanyang mga paningin, ang matimyas na pagmamahal sa Mahal na Birhen at sa Santisimo Sakramento. Namatay siya noong Hunyo 21, 1591 sanhi ng isang sakit na nakuha niya sa pagtulong sa nasalanta ng peste.
San Luis Gonzaga, Ipanalangin mu kami 🙏
Official Website of Municipality of San Luis