Skip to main content

Happy Fiesta San Juan Bautista

Happy Fiesta San Juan Bautista
Ang karaniwang ipinagdiriwang sa buhay ng santo ay ang kanyangpagkamatay na kung tawagin ay Natalitia, ang pagsilang sa buhay na walang hanggan.
Nang ipaglihi ang kamag-anak na ito ng Panginoon, maraming kababalaghan ang naganap: napipi ang kanyang amang si Zacarias dahil sa hindi nito pagkapaniwala sa balita ng anghel Gabriel na magkakaanak ang kanyang matandang asawang si Isabel, si Mariang Ina ni Jesus ay dumalaw kay Santa Isabel upang pakabanalin ang kanyang anak na noon ay anim na buwan nang ipinaglilihi. Nang isinilang ang ang anak na iyon ay Zacarias ang ngalang nais ibigay ng mga kamag-anak subalit Juan ang ibig ng ina at iyon din ang pinatunayan ni Zacarias nang isulat nito ang pangalang bigay ng anghel sa kanya; at saka pa lamang nawala ang pagkapipi ni zacarias.
Si JUAN (Hebreo, malugod n Kloob ng Diyos) ay tinawag na Bautista dahil sa pangyayaring nagbibinyag siya sa ilog Jordan, bilang “isang tinig na humihiyaw sa ilang at sugo ng Diyos na tagapagkilala sa Mesiyas,” upang ihanda ang mga tao sa pamamagitan ng pagsisisi at sa aral ng Panginoon, “ang kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan.” “Di isang tambo na pinapaspas ng hangin at higit pa sa propeta,” ayon sa wika ng Panginoon, ipinagtatanggol ni Juan Bautista ang kabanalan ng matrimony at ang Batas ng Diyos laban kay Herodes at Herodias.
Siya ay pinapugutan ng ulo ni Herodes at inilagay sa bandeha ang kanyang ulo. Tuwing Agosto 29 natin ginugunita ang pagkamartir na ito ni San Juan. “Sa mga ipinapanganak ng mga babae ay walang propeta na dakila pa kay Juan Bautista!” (LC 7:28). Iyan ang pagpuri ni Jesucristo kay San Juan.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.
San Juan Bautista, Ipanalangin mu kami 🙏🏼
Official Website of Municipality of San Luis