Skip to main content

Happy Fiesta San Isidro

Si San Isidro ay ipinanganak na hirap sa buhay sa Madrid, Espanya noong taong 1070. Naglingkod siya bilang magsasaka sa lupain ng isang mayaman sa bayan; si Don Juan de Vargas.
May malaking debosyon si San Isidro sa Banal na Misa. Tuwing umaga dumadalo siya sa Misa bago pumasok sa trabaho. Ang malinis na pamumuhay ni San Isidro ang nagpaigting ng ingit ng mga kamanggagawa. Kaya naman inireklamo siya ng kanyang mga kasamahan na palaging huli sa oras ng paggawa. Nang malaman ito ng kanyang amo, siya’y pinahihinto nito sa pagsisimba. Hindi ito sinunod ni San Isidro. Minsan, inagahan ng amo ang pagdating sa sakahan ni San Isidro upang hulihin ito. Wala pa noon si San Isidro sapagkat nagsisimba pa siya, nang makita ni Juan de Vargas ang mga anghel ng Diyos na nagsasaka sa lupang sinasaka ni San Isidro. Ito ang dahilan kaya sa larawan at rebulto ni San Isidro ay may anghel na nagsasaka.
Namatay si San Isidro noong Mayo 15, 1130 sa gulang na 60. Siya ay huwaran sa kabanalan dahil siya nilaan ang kanyang sarili sa pagsamba sa Diyos (Pagdarasal at Pagsimba), payak ang kalooban (Mababang-loob) at matulungin sa kapwa (Laan sa kapwa).
San Isidro, Ipanalangin mo kami. 🙏

Official Website of Municipality of San Luis