
Happy Fiesta San Carlos Borromeo
Siya ay kilala para sa kanyang mga konstribusyon sa Kapulungan ng Trento (Council of Trent). Ipinanganak noong 2 Oktubre 1538, at namatay noong 4 Nobyembre 1584. Siya ay patron ng mga katekista at seminarista. Tatlong bagay ang mahirap magkasama – ang kabanalan, ang kayamana, at ang karangalan, ngunit ito’y matatagpuan sa santo.
Si SAN CARLOS BORROMEO, anak ng kondeng si Gilbert at Margarita de Medicis, ay isinilang sa Arona, noong Oktubre 2, 1953. Pinag-aral siya ng batas ng kanyang ama sa Milan at Pavia, mga tanyag na lingsod sa karunungan, noong panahong mahigpit na sumasalakay sa Europa ang kamandag ng Potestantismo. Ang pagkamatay ng kanyang kapatid ay naging sanhi upang lalong mabuo sa loob niya ang pagpapari, sa kabila ng mga pagtutol ng kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak. Winika niyang minsan: “Kinasihan ako ng Diyos ng isang masidhing nasang magpenitensiya, matakot sa kaligtasan ng aking kaluluwa, kung kaya ninais kong magtago sa monastery upang mabuhay nag nag-iisa.”
Nang maging Papa ang kanyang tiyo na si Papa Pio IV, ginawa siyang arsobispo at kardinal ng Milan. Dito’y malaki ang naitulong niya sa pagbabago ng mga kautusan ng Simbahan tungo sa ikasusulong ng pananampalataya at disiplina eklesiastika, sa pagpapaayos ng Misal at Brevario (dasalan ng pari) at sa pagtatagumpay ng Kapulungan ng Trento. Sa kanyang diyosesis sa Milan, sinugpo ang masasamang aliwan, nagpatayo ng mga ospital, paaralan at simbahan. Nang magkaroon ng peste sa Milan, ibinigay niya sa mga maysakit ang kanyang sariling pagkain at kagamitan. Sa pagtatanggol sa mga batas ng Diyos, muntik na siyang patayin ng mga kaaway. Sa kanyang kamay unang tumanggap ng komunyon si San Luis Gonzaga; naging kapanahunan din niya sina San Pio V at San Felipe Neri. Minsan ang larawan ng kamatayan na may na karit ay pinalitan niya ng gintong susi. “Ang kamatayan,” wika niya, “ay susi sa kalangitan.” Malaki ang kanyang pag-ibig sa Santisimo Sakramento.
San Carlos Borromeo, Ipanalangin mu kami.