
Happy Fiesta Brgy. Sta Cruz
Happy Fiesta Brgy. Sta Cruz
Tuwing buwan ng Mayo, ating ginugunita ang maluwalhating pagkatuklas muli ng Banal na Krus ng ating Panginoong Hesu-kristo sa pamamagitan ni Santa Elena Emperatriz.
Ayon sa tradisyon noong ika-tatlo ng Mayo taong 355 ito’y kanyang natagpuan at buong galak na itinanyag at pinagpira-piraso upang maparangalan ng buong sangkakristyanuhan.
Sa Krus, ang dugo ni Kristo ay kumalat.
Sa Krus, ang kaligtasan natin ay naganap.
Sa Krus, si Kristo ay nagdusa upang iparamdam na kasama natin siya sa hirap.