
Gumuho ang ilang Bahagi ng Daan sa Brgy. Sta Rita
Matapos gumuho ang ilang bahagi ng daan dahil sa paglambot ng lupa sa Brgy. Sta. Rita kagabi dakong ala-6 ng gabi, agad nagbigay ng direktiba ang ating Mayor Dr. J sa opisina ng MDRRM Office na kung saan agarang pinalikas ang mga apektadong pamilya na malapit ang kanilang kabahayan sa nasabing lugar at nag-obserba sa mga posibilidad pang pangyayari.
Bumisita rin kanina ang ating Congressman Rimpy Bondoc upang makita ang kasalukuyang kalagayan at binanggit nito ang agarang pagresolba at mabilisang aksyon sa nasabing pangyayari para sa ligtas at mabuting kalagayan ng mga mamamayan.
#kayantabekingpanyulung