FLOOD MITIGATION SUMMIT: Solutions Through Partnership and Action
“Sama-sama para sa mas ligtas, mas matatag, at mas handang San Luis!”
Sa layuning makabuo ng isang ligtas at matatag na pamayanan, matagumpay na isinagawa ang Flood Mitigation Summit: Solutions Through Partnership and Action, na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pamumuno ni Mayor Dr. Jayson Sagum**, katuwang si **MDRRM Officer Sir Robert Joe Sagum.
Dinaluhan ang summit ng mga lokal na opisyal ng Bayan ng San Luis at ng mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) mula sa 17 barangay, bilang patunay ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos upang matugunan ang mga hamon ng pagbaha sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, pagtutulungan, at pagbabahagi ng mga posibleng solusyon, layunin ng pagtitipong ito na palakasin ang mga hakbang sa flood mitigation, mapahusay ang kahandaan ng bawat barangay, at maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng bawat Luiseño.
Dahil ang epektibong pamamahala sa pagbaha ay hindi lamang responsibilidad ng iisang tanggapan, kundi tungkulin nating lahat. Sa pagkakaisa, maayos na pagpaplano, at sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang San Luis na mas ligtas, mas matatag, at mas resilient sa anumang sakuna.
Isang San Luis, Isang Layunin — Sama-sama para sa ligtas at resilient na pamayanan!
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/19H3vXFcMh/