Skip to main content

FIRST CLIENT sa OFFICE (8:15am)

FIRST CLIENT sa OFFICE (8:15am)😊😊😊
Every Monday po ang regular and pinaka una naming kliyente ay si ANDOY. Siya po ay taga Ilog a Metung, San Isidro,San Luis. Mayroon po syang sakit sa pag iisip(mental illness). Kilalang kilala po sya ng mga taga San Luis,lalong lalo na yung mga namatayan dahil yon po ang mga palagi nyang pinupuntahan.
Malaki po ang utang na loob ko kay ANDOY dahil minsan po sa buhay ko, hindi sinasadyang literal na nasagip nya ang BUHAY ko, kaya kapag bumibisita po sya dito sa MUNISIPYO…naka bukas ang pinto at mga bintana😂😂😂,very WELCOME 🤗 po sya dito sa MUNISIPYO.
Sa atin pong panunungkulan,importante sa atin ang MENTAL HEALTH o yung may MENTAL ILLNESS. Kahit maliit lang po ang budget natin…naglalaan tayo para rito. Sa taong 2023,naglaan po tayo ng budget na 5 MILLION para sa pagpapagawa ng NEW SCHOOL 🏫 BUILDING para sa mga SPECIAL CHILDREN dito sa SAN LUIS. Ito ay itatayo dito San Luis Central School.
Kaya kapag nakakita po tayo ng mga indibidwal na may kapansanan sa pag iisip…sana po,hwag nating pagtawanan bagkus sana makaisip tayo ng paraan kung paano sila matulungan🙏🙏🙏.
#mentalhealth
#mentalillness
#kkp

Official Website of Municipality of San Luis