Skip to main content

FARM WORKERS to KOREA

Mula po kahapon November 3 to 7,nandito po tayo sa KOREA 🇰🇷 😊, kasama po natin ang ating mahal na Governor DENNIS PINEDA,na sya po ang naging daan nang pagpunta natin dito. Kami po ay nandito para makipagpartner sa mga syudad o munisipyo dito tungkol sa agrikultura.
Kaninang umaga po, tayo at ang Mayor ng NAJU City,Mayor YOON BYUNGTAE ay may pinirmahang MEMORANDUM of UNDERSTANDING(MOU).Dito po sa MOU na ito ay napagkasunduan…na kukuha sila ng mga SEASONAL FARM WORKERS dito sa ating bayan.
Kapag natuloy po ,ito ay isang oportunidad sa mga farm workers natin na makapagtrabaho dito kahit 5 buwan lang( 30 to 50 years old,lalaki o babae,walang kailangang ipasang Korean language test 😅, natapos ng grade 8 o 2nd year high school pwede na). Yung ibang requirements, sasabihin ko nalang po 😅 kapag naglive ako dyan sa San Luis.
Dacal pung salamat 😊

Official Website of Municipality of San Luis