
EXPANDED SURVIVAL AND RECOVERY ASSISTANCE PROGRAM FOR RICE FARMERS
Sa pangunguna ng Department of Agriculture at ng ating Municipal Mayor Dr. J, 237 magsasaka mula sa iba’t-ibang bayan ng San Luis ang nabigyan ng pagkakataong mangutang ng P15,000.00 mula sa programa ng DA na may kabuuang halaga na P3,555,000.00 na babayaran sa loob ng walong (8) taon na walang patubo.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng agarang suportang pinansyal sa pamamagitan ng “one-time loan assistance” para sa mga magsasaka na may 1 hektarya pababa na kabilang sa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at apektado ng mababang presyo ng palay ngayong taong 2019.
#kayantabekingpanyulung