
Burial Benefits para sa mga Barangay Officials
50 K Financial/Burial Assistance
para sa mga BARANGAY OFFICIALS
Noong naging Mayor po tayo nung year 2000, kumuha po tayo ng Insurance para sa lahat nang 340 BANTAY BAYAN, para kung sakaling may mangyari sa kanila kahit papaano…may matatanggap na tulong pinansyal ang mga pamilyang naiwanan. Kaya lang po, nagbabayad tayo sa INSURANCE COMPANY ng 100 thousand kada taon, pero P5 thousand lang po ang natatanggap ng pamilya ng BANTAY Bayan na namatay.

Last year po, sa tulong ng Sangguniang Bayan, nagpapasa po tayo ng ORDINANCE # 11,series of 2022( Sponsored by Konsi Jun Ocampo,Erwin Clarin,Berto Mangulabnan, ABC Andy Pena & SK Aries Sulit) para mas lumaki ang maitutulong natin sa mga BANTAY Bayan at lahat ng barangay officials na mawalan ng buhay.

Dito po sa ordinansang ito covered na lahat…Kapitan,Kagawad,Tresurer,Secretary,SK Chairmen,SK Kagawad,SK Treasurer & Secretary, Lupon Tagapamayapa,Bantay Bayan, BHW, Đây Care Worker at Ambulance
Driver.

Kanina po na award na namin,ang kauna-unahang benepisyaryo ng ORDINANSANG ito, si Mrs. Lucita Sumang from Barangay Sta. Lucia ang halagang P50 thousand, bilang tulong at pasasalamat na rin sa serbisyong ibinigay ng kanyang namayapang asawa na si Bantay Bayan FERNANDO SUMANG





Maraming salamat po





#onlyinsanluis
#50k
#BantayBayan