1,200 CABALEN, BAKUNADO NA NG FLU VACCINE!
Isang mahalagang hakbang para sa mas ligtas at malusog na pamayanan ng San Luis!
Umabot na sa 1,200 cabalen ang nabakunahan laban sa influenza o trangkaso, kabilang ang maraming Senior Citizens mula sa 17 barangay ng ating bayan. Kabilang din sa mga nabigyan ng bakuna ang ating mga RHU Employees, Barangay Officials, Barangay Health Workers (BHWs), guro, bumbero, pulis, at mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).
Naisakatuparan ang programang ito sa pamamagitan ng inisyatibo ng ating minamahal na Congresswoman Dra. Anna York Bondoc, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan.
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa programang ito! Sama-sama nating isulong ang isang malusog, ligtas, at protektadong San Luis, kung saan ang bawat Luiseño ay may pagkakataong mamuhay nang mas malusog at masigla.
Kalusugan ay Protektahan, Bakuna ay Pahalagahan!
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CPbKKm5Zq/