LGU-SAN LUIS, PAMPANGA nananatiling COVID-19 FREE

Sa pangunguna ni Dr. J, ang Bayan ng San Luis ay lalong pinapanatiling ligtas sa COVID-19. Iba’t ibang mga pagpupulong at programa na ang inilulunsad upang lalong paigtingin ang seguridad at kalinisan sa ating bayan.

Inumpisahan ito sa pamamagitan ng pagpupulong upang mapag-usapan ang nasabing sakit at mga hakbang na dapat gawin ng ating mga opisyales. Inabisuhan din ang mga BHERTs (Barangay Health Emergency Response Team) na magsagawa ng pagtatala ng impormasyon ng mga kabarangay na galing sa ibang bansa maging sa Metro Manila. Sila ang mga mag-oobserba sa lahat ng kabarangay na bagong dating lamang mula sa mga sintomas ng sakit, kabilang dito ang pagtatala ng kanilang daily body temperatures sa loob ng 14 na araw, na siyang incubation period ng virus, habang naka-confine sila sa kanilang mga tahanan.

Patuloy din ang “disinfection” sa ating bayan lalo na sa pampubliko at matataong lugar upang mapuksa ang nasabing virus. Mahigpit din ang pagpapatupad ng kabilaang checkpoints at “curfew” mula 8:00 PM hanggang 5:00 upang masiguro natin ang kaligtasan ng bawat isa.

Hinihingi namin ang kooperasyon ng bawat isa na manatili na lamang sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas, sumunod sa mga direktiba ng ating pamahalaan at huwag kalimutang maghugas ng kamay gamit ang sabon upang patuloy nating malabanan ang sakit na ito.

VISIT US
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
error: